Ang tahanan na para sa iyo at sa akin
In the Southern part of Cagayan
There lies a place so dear
Where beauty beams and joyful hymns
A nd children's laughter we hear
Its verdant hills and plains reveal
The wondrous blessings fold
And from her bosom flows a river
Abounds with gifts untold
Refrain :
TuguegaraoeƱos let us cheer
For our city loved so dear
Our joy for today and hope for tomorrow
May she live forever more
God bless the city of Tuguegarao
May we ever be safe and free
Tuguegarao City a beautiful place
A home for you and me
Its people blessed with minds of greatness
Wisdom , faith and strength
They work in peace and unity toward prosperity
And gladly welcome everyone who come in search for home
With every thing that life may offer in love and friendship
(Repeat Refrain )
Tuguegarao City , a beautiful place
A home for you and me
Narinig niyo na ba
ang “Tuguegarao City Hymn”? Ito ang kantang naglalarawan sa mga tao na
nagkakaisa, kagandahan, at malaparaisong Lungsod ng Tuguegarao. Halina kayo at
tunghayan ang kuwento sa likod nito.
Ang Lungsod ng
Tuguegarao ay isang napakagandang lugar na masarap puntahan at tirahan. Bukod
sa kagandahan nito, ang lugar na ito ay may magandang kasaysayan. Hindi
magiging maganda ang Tuguegarao kung wala tao. Ang tao ay nagsisilbing
instrumento ito upang umunlad at ang kakaiba nilang katangian papatok sa lahat
ang matiyaga, masipag, palakaibigan, matulungin, mabait at maka-Diyos.
Ngayon, masusulyapan
at matutuklasan natin ito. Kaya, '"Come on, let's go at tayo ay
maglakbay".
Ang Tuguegarao ay isang lungsod sa
hilagang-silangang bahagi ng Luzon sa Pilipinas.
Ito ang kabisera ng lalawigan ng Cagayan at nagsisilbing ring sentrong
panrehiyon ng Lambak ng Cagayan. Dito makikita
ang mga unibersidad na malalaki sa Rehiyon 2 at karamihan ng mga mamayan ng
Kalinga Apayao, Isabela at Nueva Vizcaya ay pinag-aaral ang mga anak sa
Tuguegarao. Dito din matatagpuan ang Ilog Cagayan. Ang wikang ginagamit sa
Tuguegarao ay Ytawes, Ybanag at Ilokano.
May iba't ibang bersyon ang sinasabing
pinagmulan ng pangalang Tuguegarao. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng maraming
bilang ng puno ng “tarao” sa lugar. Sinasabi ring nanggaling ito sa katagang
“garrao” na nangangahulugan ng mabilis na pag-agos dahil sa Ilog
Pinacanauan na matatagpuan dito. Mayroon din namang nagsasabing hinango
ito sa salitang “tuggui” na nangangahulugan ng apoy. Ayon sa mga naitalang
kwento, ang bayan ay dating tinawag na “Twerao” ng mga mamamayan sa ibang bayan
ng Cagayan. Ang pinakatanggap na pinagmulan naman ng pangalan ay ang “Tuggui
gari yaw”, na nangangahulugang “Tinupok ito ng apoy”, dahil sa mga pook kung
saan ginagawa ang pagkakaingin noong panahon ng mga Espanyol.
Talagang
maganda ang kasaysayan ng Tuguegarao. Puntahan naman natin ang mga pasyalan
dito. Ang Sts. Peter and Paul Metropolitan Cathedral ay itinayo
noong 1761-1766 sa ilalim ng pangangasiwa ng Spanish Dominicans na dumating
upang magturo ng Ebanghelyo sa Lambak ng Cagayan. At ng diyosesis ng Tuguegarao
ay nilikha sa pamamagitan ni Pope Pius X sa Disyembre 6, 1911.
Ang
Rizal’s Park ay isang atraksiyon dito sa lungsod ng Tuguegarao. Ito ay
matatagpuan sa harap ng Tuguegaro East Cetral School. Ito ay may ilang metrong layo sa Paeso Reale
Mall. Ito ay hindi lamang binubuo ng parke kundi mayroon din ito hardin,
establisimento at ang pinakasentro nito ay ang rebulto ni Jose Rizal. Ipinatayo
ang rebulto hindi lamang upang maalala ang ating bayani, kundi ito ay naging
inspirasyon ng bawat isa dahil sa kanyang katapangan.
Ang
Buntun Bridge ay isa sa mga pinakamahabang tulay sa bansa na may habang
1.124 kilometro (0.698 mi). At ito ay 2.5 kilometro (1.6 mi) mula sa lungsod.
Ngayon pag-usapan
naman natin ang tungkol sa isang araw dito sa Tuguegarao na napakasaya, ang
Pav-vurulun Festival.
Pav-vurulun Festival ay isang
mahabang pagdiriwang na karaniwang nagtatapos ika-16 ng Agosto taun-taon.
Pav-vurulun ay Ibanag salita na nangangahulugang
"pagsasalo-salo" o "pagtutulungan ng bawat isa". Nasa
konteksto na ang lungsod ay taun-taong ipinagdidiwang ang pista ng
patron sa karangalan ni St Hyacinth, ang 'patron saint' ng lungsod. Nangangalap
ito ng mga TuguegaraoeƱos sa isang linggo mahaba kasiyahan kasama ng isang misa
. Ang mahabang pagdiriwang ay isang pista ng mga aktibidad katulad parades,
beauty paligsahan, paligsahang kumain ng Pancit Batil Patung , kumpetisyon ng
street dancing, sports fest, trade fairs at iba pa.
St. Hyacinth Church (San Jancinto Church) o ang Ermita de Piedra de San Jacinto (Stone Chapel of San Jacinto) ay isang makasaysayang simbahan na itinatag noong 1604, mas matanda ito ng 100 na taon kaysa sa Sts. Peter and Paul Metropolitan Cathedral. Ang mga sundalong Amerikano noong Digmaang Pilipino- Amerikano ay ginamit ito bilang punong-himpilan noong 1899.
Pagod na ba
kayo? Halika kayo, magpahinga na muna tayo sa Pension Roma. Ang Pension Roma ay
ang pinakamagandang puntahang hotel dito sa Tuguegarao. Sobrang comfortable at sulit
ang binayaran mo. Ang kanilang staff ay masayahin at mukhang naeenjoy nila ang
kanilang serbisyo sa inyo.
Nag-enjoy ba kayo sa ating
paglalakbay sa Lungsod ng Tuguegarao? Sana marami kayong natutunan tungkol dito.
Hanggang sa muli ninyong pagdalaw, ang Tuguegarao, ay handa para sa inyo.
Ikalat ninyo ang balitang nakapunta kayo rito. Hindi kayo magsisisi sa huli ang
napuntahan ng iba ito.Sana’y kayo ay makadalaw sa aming lungsod.