Biyernes, Marso 14, 2014

Lungsod ng Tuguegarao


  Ang tahanan na para sa iyo at sa akin


In the Southern part of Cagayan
There lies a place so dear
Where beauty beams and joyful hymns
A nd children's laughter we hear
Its verdant hills and plains reveal
The wondrous blessings fold
And from her bosom flows a river
Abounds with gifts untold

Refrain :
Tuguegaraoeños let us cheer
For our city loved so dear
Our joy for today and hope for tomorrow
May she live forever more
God bless the city of Tuguegarao
May we ever be safe and free
Tuguegarao City a beautiful  place
A home for you and me
Its people blessed with minds of greatness
Wisdom , faith and strength
They work in peace and unity toward prosperity
And gladly welcome everyone who come in search for home
With every thing that life may offer in love and friendship

(Repeat Refrain )

Tuguegarao City , a beautiful place
A home for you and me 





Narinig niyo na ba ang “Tuguegarao City Hymn”? Ito ang kantang naglalarawan sa mga tao na nagkakaisa, kagandahan, at malaparaisong Lungsod ng Tuguegarao. Halina kayo at tunghayan ang kuwento sa likod nito.

Ang Lungsod ng Tuguegarao ay isang napakagandang lugar na masarap puntahan at tirahan. Bukod sa kagandahan nito, ang lugar na ito ay may magandang kasaysayan. Hindi magiging maganda ang Tuguegarao kung wala tao. Ang tao ay nagsisilbing instrumento ito upang umunlad at ang kakaiba nilang katangian papatok sa lahat ang matiyaga, masipag, palakaibigan, matulungin, mabait at maka-Diyos.

Ngayon, masusulyapan at matutuklasan natin ito. Kaya, '"Come on, let's go at tayo ay maglakbay".

Ang Tuguegarao ay isang lungsod sa hilagang-silangang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ito ang kabisera ng lalawigan ng Cagayan at nagsisilbing ring sentrong panrehiyon ng Lambak ng Cagayan. Dito makikita ang mga unibersidad na malalaki sa Rehiyon 2 at karamihan ng mga mamayan ng Kalinga Apayao, Isabela at Nueva Vizcaya ay pinag-aaral ang mga anak sa Tuguegarao.  Dito din matatagpuan  ang Ilog Cagayan. Ang wikang ginagamit sa Tuguegarao ay Ytawes, Ybanag at Ilokano.

May iba't ibang bersyon ang sinasabing pinagmulan ng pangalang Tuguegarao. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng maraming bilang ng puno ng “tarao” sa lugar. Sinasabi ring nanggaling ito sa katagang “garrao” na nangangahulugan ng mabilis na pag-agos dahil sa Ilog Pinacanauan  na matatagpuan dito. Mayroon din namang nagsasabing hinango ito sa salitang “tuggui” na nangangahulugan ng apoy. Ayon sa mga naitalang kwento, ang bayan ay dating tinawag na “Twerao” ng mga mamamayan sa ibang bayan ng Cagayan. Ang pinakatanggap na pinagmulan naman ng pangalan ay ang “Tuggui gari yaw”, na nangangahulugang “Tinupok ito ng apoy”, dahil sa mga pook kung saan ginagawa ang pagkakaingin noong panahon ng mga Espanyol.  





Talagang maganda ang kasaysayan ng Tuguegarao. Puntahan naman natin ang mga pasyalan dito. Ang  Sts. Peter and Paul Metropolitan Cathedral ay itinayo noong 1761-1766 sa ilalim ng pangangasiwa ng Spanish Dominicans na dumating upang magturo ng Ebanghelyo sa Lambak ng Cagayan. At ng diyosesis ng Tuguegarao ay nilikha sa pamamagitan ni Pope Pius X sa Disyembre 6, 1911.


Ang Rizal’s Park ay isang atraksiyon dito sa lungsod ng Tuguegarao. Ito ay matatagpuan sa harap ng Tuguegaro East Cetral School.  Ito ay may ilang metrong layo sa Paeso Reale Mall. Ito ay hindi lamang binubuo ng parke kundi mayroon din ito hardin, establisimento at ang pinakasentro nito ay ang rebulto ni Jose Rizal. Ipinatayo ang rebulto hindi lamang upang maalala ang ating bayani, kundi ito ay naging inspirasyon ng bawat isa dahil sa kanyang katapangan.
 



Ang Buntun Bridge ay  isa sa mga pinakamahabang tulay sa bansa na may habang 1.124 kilometro (0.698 mi). At ito ay 2.5 kilometro (1.6 mi) mula sa lungsod.

Ngayon pag-usapan naman natin ang tungkol sa isang araw dito sa Tuguegarao na napakasaya, ang Pav-vurulun Festival.

 

Pav-vurulun Festival ay isang  mahabang pagdiriwang na karaniwang nagtatapos ika-16 ng Agosto taun-taon. Pav-vurulun ay  Ibanag salita na nangangahulugang "pagsasalo-salo" o "pagtutulungan ng bawat isa". Nasa konteksto na ang lungsod ay taun-taong ipinagdidiwang ang   pista ng patron sa karangalan ni St Hyacinth, ang 'patron saint' ng lungsod. Nangangalap ito ng mga Tuguegaraoeños sa isang linggo mahaba kasiyahan kasama ng isang misa . Ang mahabang pagdiriwang ay isang pista ng mga aktibidad katulad parades, beauty paligsahan, paligsahang kumain ng Pancit Batil Patung , kumpetisyon ng street dancing, sports fest, trade fairs at  iba pa.

         St. Hyacinth Church (San Jancinto Church) o ang Ermita de Piedra de San Jacinto (Stone Chapel of San Jacinto) ay isang makasaysayang simbahan na itinatag noong 1604, mas matanda ito ng 100 na taon kaysa sa Sts. Peter and Paul Metropolitan Cathedral. Ang mga sundalong Amerikano noong Digmaang Pilipino- Amerikano ay ginamit ito bilang punong-himpilan noong 1899.   






Pagod na ba kayo? Halika kayo, magpahinga na muna tayo sa Pension Roma. Ang Pension Roma ay ang pinakamagandang puntahang hotel dito sa Tuguegarao. Sobrang comfortable at sulit ang binayaran mo. Ang kanilang staff ay masayahin at mukhang naeenjoy nila ang kanilang serbisyo sa inyo.


Nag-enjoy ba kayo sa ating paglalakbay sa Lungsod ng Tuguegarao? Sana marami kayong natutunan tungkol dito. Hanggang sa muli ninyong pagdalaw, ang Tuguegarao, ay handa para sa inyo. Ikalat ninyo ang balitang nakapunta kayo rito. Hindi kayo magsisisi sa huli ang napuntahan ng iba ito.Sana’y kayo ay makadalaw sa aming lungsod.



1 komento:

  1. 10cric login - goldcasino.in
    10cric Login: 10cric Login. Login. Login. Login. 1xbet Login. leovegas Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. 10cric login Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login. Login.

    TumugonBurahin